Linggo, Nobyembre 7, 2021

 Bakit ko pinili ang TVL-SMAW?

    Pinili ko ang kursong SMAW sapagkat gusto kong matuto at maging magaling sa pag-welding. Isa pang rason ay kapag ako ay nakapagtapos na ng aking pag-aaral ay madaling makahanap ng trabaho. Sa tingin ko ay nababagay sa akin ang SMAW dahil interesado akong matuto ng mga skills sa SMAW na alam kong maituturo sakin ng aking mga magagaling na guro sa paaralan. Kahit alam kong ito'y hindi madaling matutunan, sisikapin ko parin na matutunan ang lahat na pwede kong matutunan sa kursong ito sapagkat ito ang aking pangarap. Alam ko ring madaling makapag abroad kapag nakatapos ka ng kursong SMAW. Isa rin ito sa aking mga parangap para mas matulungan ko pa ang aking mga magulang at mga kapatid. 

    Kaya ngayon dahil pinili ko ang kursong SMAW, ako ay magsisipag na gumawa ng mga proyekto, magsisipag sa pag-aaral, at palaging makikinig sa mga turo ng aking mga guro, maging interesado na matutunan ang mga skills na kailangan sa SMAW. Alam kong ang mga skills na matututunan ko sa SMAW ay magagamit ko sa araw-araw at sa panghabang-buhay.

Why choose TVL-SMAW?

 Bakit ko pinili ang TVL-SMAW?      Pinili ko ang kursong SMAW sapagkat gusto kong matuto at maging magaling sa pag-welding. Isa pang rason ...